

There are things unseen,... there are things unknown... There's a lot we don't know despite the realities life show us. The world in itself is a better place,... but the world doesn't exist by it's own,... we are here and with us and beings like us living on it,...its either the world becomes a better place or not.
-unang "prinaktis" ni zay ang pagiging rebelde noong nasa Kinder siya...(here's the scenario)... hindi niya inaasahang sa recognition day nila ay mas makakataas pa sa kanya ang kaklaseng wala namang gaanong alam maliban sa makipag close sa titser... kaya nang ibinigay sa kanya ang result sa placement niya pinunit niya ito sa harap ng titser niya...haay! a new activist was born talaga. parang nagpunit lang ng cedula bilang hudyat ng isang himagsikan
-nalaman ni zay na "not all is fair" sa mundo
-more often than not, ang tao ay makararanas talaga ng kadayaan sa buhay niya kahit pa sabihing ginagawa niya lahat ng nararapat
-ito ang pinag-ugatan ng lahat ng pagdududa ni zay sa tao
-nalaman ni zay na hindi pala natuwa ang tatay niya ng siya'y ipinanganak dahil isa siyang "babae"...(talagang patriarchal ang mundo)
-sa kabilang dako, dito din si zay nagsimulang ma "in love" sa musika
-at naging paborito niya ang awiting kahit hanggang ngayon ay di niya pa alam ang title,... ang alam lang niya ay ang linya nitong... "panahon na para magsaya, forget mo na ang problema...."
-kinakanta niya ito sa ibabaw ng mahaba nilang mesa sa bahay habang hawak ang hair brush bilang microphone
-paborito niya din an "Estudyante Blues" at syempre pa ang kanta ng "Batibot" at "Sesame Street"
-nanonood din siya ng "That's Entertainment" at "Lunch Date" at minsang nangarap na maging isang artista para makita si Fernando Poe...of course! at makapagsuot ng magagarang damit
-una niya ding nalaman na pag patay na pala ang tao, di kana pala nito makikita.
-napatunayan niya ito ng dumalaw siya minsan sa punton ng uncle niya ng bihis na bihis (nag prepare tlaga siya for that occasion only to find out na hindi naman pala natutulog lang ang taong patay na)haay! kahabaghabag na nilalang!
...but wait there's more... "hanggang sa susunod na pagbabasa..."