Wednesday, September 17, 2008

Mga Aral Sa Buhay ni Zay




Ito ay kwento lamang ng isang abang nilalang. Maaaring ito'y katotohanan o kathang isip lamang. Nasa inyo ang pagpapasya.




IsAnG tAoN hAnGgAnG lImA.....


-natuto si zay na halos lahat pala ng bagay na gusto niya ay makukuha sa pag-iyak


-kaya, natuto siyang umiyak ng malakas habang tumatagal sa pagnanais na ibigay sa kanya ang kanyang hinihingi


-subalit, nang magtagal, nalaman ni zay na pumapangit pala siya pag umiiyak


-kaya iniwasan na niyang umiyak araw-araw...(every other day nalang)


-nalaman ni zay may nilalang pala na "butiki" kung tawagin... at tinawag niya itong "koo-koo" noong mga panahong iyon.


-nalaman ni zay na may mga kani-kanyang pangalan pala ang mga tao


-at "Mama" pala ang tawag sa nanay o sa babaeng nagluwal sa kanya sa mundo


-nalaman ni zay na Zyrille pala ang pangalan niya na noon ay akala niya "Iday" lang


-nalaman niya na hindi pala siya sa bibig ng nanay niya lumabas


-nalaman niya na may tatay pala siya


-nalaman niya na hindi pala siya anak ng lolo at lola niya


-natuto siyang makinig ng awitin at "eventually magrequest" na gawing pampatulog sa kanya ang kantang "Matud nila"(kahit di niya alam ang ibig sabihin)


-ayon sa kanya masarap pala ang mahiga sa tiyan ng lola at mahiga sa pagitan nila ni lolo


-una siyang natutong "magrefuse" kapag pinapainom siya ng gatas dahil panget daw ang lasa


-una siyang natutong magdamot lalo na pag kinukuha sa kanya ang kanyang "milk bottle" o "tsupon"


-nagustuhan niya ang "Batibot" at "Sesame Street" at nag karoon siya ng mga kaibigan sa kahayupan(hindi katauhan) nina Big Bird, Elmo, Bert,Cookie Monster(mga international friends), Pong Pagong, at Kuya Bogie(tao po siya)


-nalaman niya na may "alphabet" palang tinatawag


-at nakakatawa pala ito pag inawit sa Tagalog


-natuto siyang magsalita mag-isa habang kinakausap ang sarili (with a storyline) dahil likas talaga siyang "wierd"


-natakot siya sa manika dahil para sa kanya para itong may sariling buhay pag gabi


-una niyang nagustuhan ang magkaroon ng "antipara" eyeglasses dahil mukha daw matalino(mukha lang)


-una siyang lumandi dahil naging "super crush" niya si Fernando Poe Jr.(at nakikipag-agawan talaga siya sa kanyang mga ate at tumatakbo siya sa harap ng TV pag pinapalabas na ang beer commercial nito)


-nag ilusyon siya na siya ang asawa nito(ano kaya ang masasabi ni Susan Roces dito?...)


-ninais niyang mag-aral agd para sa "recess"




....abangan ang mga susunod na kabanata:




KINDER KaOn


"ABNKKBSNPLAKo" sa Elementarya ito


Ang Kahulugan ng SIP sa Amber


BUhay kapiling Ang mga Daga( Sa 1061 )


ANg MatAyOg na LiPaD ni FaLcOn aka Vincentian


SA Piling ng mga Puti


1 comment:

cha said...

hehe! amusing..

i think i should keep myself posted sa mga susunod na kabanata.. can't wait to. .haha!