Friday, September 19, 2008

Mga Aral sa Buhay ni Zay

Kabanata II



KINDER KaOn

Sa puntong ito ako ay anim na taong gulang na at katulad ng inaasahan ipinagpatuloy ko ang aking kakulitan...



-namulat ang batang si zay sa kasinungalingang ayos lang na magsuot ng panty lamang... (wala pa sa isip niya ang hiya...tsk tsk tsk, nakaka awang bata)

-panget talaga ang lasa ng gatas lalo na pag sa baso iniinom, kaya hanggang kinder gumagamit siya ng tsupon

-NIPS ang ginagawang pang "bribe" ng tita niya para siya ay mag-aral ng "lesson"

-hindi siya pumapayag na gawin ang isang bagay ng walang kapalit... (kahit juice lang okay na)

-nalaman niya na para maka "honor" sa recognition day ay dapat "close ng nanay ang titser" -dapat ay kahiraman ng VHS tape at kung magbibirthday ay imbitado si ma'am- dapat din ay binibigyan ng litson si ma'am pagmay okasyon sa kanila

-haaay!!! eto pala ang mundo sabi ni zay

-nalaman ni zay na yung matanda pala na lalake sa kanto ay hindi nakakapag pagaling ng sakit ng tiyan. (akala niya kasi na pag lolo lahat ay alam gawin kahit magpagaling)

-unang "prinaktis" ni zay ang pagiging rebelde noong nasa Kinder siya...(here's the scenario)... hindi niya inaasahang sa recognition day nila ay mas makakataas pa sa kanya ang kaklaseng wala namang gaanong alam maliban sa makipag close sa titser... kaya nang ibinigay sa kanya ang result sa placement niya pinunit niya ito sa harap ng titser niya...haay! a new activist was born talaga. parang nagpunit lang ng cedula bilang hudyat ng isang himagsikan

-nalaman ni zay na "not all is fair" sa mundo

-more often than not, ang tao ay makararanas talaga ng kadayaan sa buhay niya kahit pa sabihing ginagawa niya lahat ng nararapat

-ito ang pinag-ugatan ng lahat ng pagdududa ni zay sa tao

-nalaman ni zay na hindi pala natuwa ang tatay niya ng siya'y ipinanganak dahil isa siyang "babae"...(talagang patriarchal ang mundo)

-sa kabilang dako, dito din si zay nagsimulang ma "in love" sa musika

-at naging paborito niya ang awiting kahit hanggang ngayon ay di niya pa alam ang title,... ang alam lang niya ay ang linya nitong... "panahon na para magsaya, forget mo na ang problema...."

-kinakanta niya ito sa ibabaw ng mahaba nilang mesa sa bahay habang hawak ang hair brush bilang microphone

-paborito niya din an "Estudyante Blues" at syempre pa ang kanta ng "Batibot" at "Sesame Street"

-nanonood din siya ng "That's Entertainment" at "Lunch Date" at minsang nangarap na maging isang artista para makita si Fernando Poe...of course! at makapagsuot ng magagarang damit

-una niya ding nalaman na pag patay na pala ang tao, di kana pala nito makikita.

-napatunayan niya ito ng dumalaw siya minsan sa punton ng uncle niya ng bihis na bihis (nag prepare tlaga siya for that occasion only to find out na hindi naman pala natutulog lang ang taong patay na)haay! kahabaghabag na nilalang!

...but wait there's more... "hanggang sa susunod na pagbabasa..."

No comments: